YUNIT I: MGA KONSEPTONG PANGWIKA
ARALIN 1: WIKA, KOMUNIKASYON, AT WIKANG PAMBANSA
WIKA
- Ang pinakamahalagang sangkap at ugnayan sa pakikipagkapwa-tao.
- Pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa, kaisipan, at damdamin natin.
- Isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao.
- Isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitangtunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitaryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
DALUYAN NG PAGPAPAKAHULUGAN
- Ang lahat ng wika ng tao ay nagsimula sa tunog.
- Ang simbolo ay binubuo ng mga biswal na larawan, guhit, o hugis na kumakatawan sa isa o maraming kahulugan.
- Kodipikadong pagsulat ang sistema ng pagsulat.
- Ang galaw ay tumutukoy sa ekspresyon ng mukha, kumpas ng kamay, at galaw ng katawan o bahagi ng katawan na nagpapahiwatig ng kahulugan o mensahe.
- Ang kilos ay tumutukoy sa kung ano ang ipinahihiwatig ng isang ganap na kilos ng tao.
GAMIT NG WIKA
- Gamit sa talastasan
- Lumilinang ng pagkatuto
- Saksi sa panlipunang pagkilos
- Lalagyan o imbakan
- Tagapagsiwalat ng damdamin
- Gamit sa imahinatibong pagsulat
KATEGORYA AT KAANTASAN NG WIKA
- Pormal - kinikilala at ginagamit ng higit na nakararami, sa pamayanan, bansa, o isang lugar.
a.) Opisyal na wikang pambansa at panturo - ginagamit sa pamahalaan at mga aklat pangwika sa paaralan. Ito rin ang ginagamit na wikang panturo. Ito ang wikang ginagamit sa buong bansa.
b.) Wikang pampanitikan - karaniwang ginagamit sa akdang pampanitikan. Masining at malikhain ang kahulugan ng mga salitang ito.
- Di-pormal - madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan
a.) panlalawigan - mga salitang diyalektal; ginagamit ito sa partikular na pook o lalawigan; mag pagkakaiba-iba sa tono at kahulugan sa ibang salita.
b.) balbal - katumbas ng slang sa ingles. Ito ang mga nababago sa pag-usad ng panahon. Madalas marinig ang mga salitang ito sa lansangan.
c.) kolokyal - salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap.
KOMUNIKASYON
- Pagpapahayag, paghahatid, o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan.
- Pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan, o pakikipag-unawaan.
- Proseso ng pagbibigay at pagtanggap, nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal ang mga impomasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon, at damdamin.
ANTAS NG KOMUNIKASYON
INTRAPERSONAL
INTERPERSONAL
ORGANISASYONAL
ANG PANGKARANIWANG MODELO NG KOMUNIKASYON
TATLONG URI NG KOMUNIKASYON
- Komunikasyong pagbigkas - pinakapundasyon ng anumang wika at pagsasaling-kalinangan sa mahabang henerasyon.
- komunikasyong pasulat - mahahalagang salik ng kaalaman at edukasyon ng tao. Nakabatay sa alpabeto, gramatika, o estruktura ng wika at kumbensiyong pangwika.
- Pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng kompyuter - dulot ng pagpasok ng Internet.
ARALIN 2: UNANG WIKA, BILINGGUWALISMO, AT MULTILINGGUWALISMO SA KONTEKSTONG PILIPINO
Wikang Filipino - binubuo ng maraming wika mula sa mga kasalong wika (Sugbuanong-binisaya, Iloko, Kapampangan, Pangasinan, Samar-Leyte, Maguindanao, Tausug, at Tagalog) at mga banyagang wika (Kastila, Ingles, at Tsino).
MAIKLING KASAYSAYAN NG ATING PAMBANSANG PAGPAPLANO SA WIKA
NI F.P.A DEMETERIO III
ARALIN 3: LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD AT URI NG WIKA
LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD
- Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon at ito ang dahilan upang makapag-ugnayan ang bawat isa.
MGA SALIK NG LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD
- May kaisahan sa paggamit ng wika at naibabahagi ito sa iba
- Nakapagbabahagi at malay ang kasapi sa tuntunin ng wika at interpretasyon nito
- May kaisahan sa pagpapahalaga at palagay hinggil sa gamit ng wika
- Sektor
- Grupong pormal
- Grupong impormal
- Yunit
MULTIKULTURAL NA KOMUNIDAD
- "Pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba".
Halimbawa:
- Internasyonal
- Rehiyonal
- Pambansa
- Organisasyonal
SOSYOLEK, IDYOLEK, DIYALEKTO, AT REHISTRO
- SOSYOLEK - uri ng wika na nililikha at ginagamit ng isang pangkat o uring panlipunan.
- IDYOLEK - natatangi't espesipikong paraan ng pagsasalita ng isang tao.
- DIYALEKTO - uri ng pangunahing wika na nababago, nagbabago, o nagiging natatangi dahil sa ginagamit ito ng mga taong nasa ibang rehiyon o lokasyon.
- REHISTRO - nauukol ito sa layunin at paksa ayon sa larangang sangkot ng komunikasyon.
ARALIN 4: KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA AT ANG FILIPINO BILANG WIKANG GLOBAL
Hindi maikakaila na ang wika ang siyang nagbibigay ng buhay sa isang lipunang ginagalawan. Mahalaga ang wika sa ating sarili, sa kapwa, at lipunan. Nagagawa ng wika na mapaunlad ang sarili sa pamamagitan ng pagtatamo ng Kaalaman mula sa paligid, mapatatag ang relasyon sosyal sa ating kapwa at makabuo ng isang kolektibong karanasan ma may tiyak na pagkakakilanlan. Ang wika ay maituturing na tagapag-ugnau ng mga tao na bumubuo sa isang tiyak na lipunan.
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
MGA JINGLE O KANTA
REGULATORYONG WIKA
PANONOOD BILANG PAGBASA, PAGKATUTO, AT PAGKONSUMO
Mga Uri ng Palabas
Baybayin ang katutubong paraan ng pagsulat na ginagamit ng mga katutubong Pilipino noong sinaunang panahon. Batay sa ulat ng mga misyoneryong Kastila, kanilang nadatnan na ang mga Pilipino ay marunong nang magbasa at magsulat gamit ang baybayin na naglalaman ng 17 simbolo. Ang kauna-unahang aklat sa bansa, ang Doctrina Christiana sa paraang baybayin.
YUNIT II: MGA GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN
ARALIN 1: BILANG INSTRUMENTO
- Pagpapahayag ng damdamin
- Panghihikayat upang gawin ng kausap ang nais na tupdin o mangyari
- Direktang pag-uutos
- Pagtuturo at pagkatuto ng maraming kaalaman at karunungang kapaki-pakinabangan
- Pagsusuri sa mga patalastas
BIGKAS - PAGGANAP
- Ang paggamit ng wika ng isang tao upang paganapin at direkta o di-direktang pakilusin ang kausap niya batay sa nilalaman ng mensahe.
- Lokusyunaryo - literal na kahulugan ng pahayag.
- Ilokusyunaryo - Kahulugan ng mensahe batay sa kontekstong pinagmumulan ng nakikinig at tumatanggap nito.
- Perlokusyunaryo - ginawa o nangyari matapos mapakinggan o matanggap ang mensahe.
WIKA SA PATALASTAS
TAGLINE
WORD PLAY
Rebisco Biscuits- “Sarap ng filling mo.”
MGA DIYALOGO SA PATALASTAS
Selecta Birthday 3-in-1 Ice Cream
Batang lalaki: Yes, nakaipon na ko. 98,99! Pabili po nun.
Vhong Navarro: Eto.
Batang lalaki: Happy Birthday, Daphne!
Daphne: Wow! Thank you, Kuya.
Vhong Navarro: Mas happy ang kaarawan pag may Selecta Birthday 3-in-1, 99 lang.
MGA JINGLE O KANTA
ARIEL
Finally, Ariel happened to me
One wash clean sa labada for just 7.50
Finally…woaahh…
Finally, Ariel happened to me
Magaan sabulsa, ‘cause it’s just 7.50
ARALIN 2: REGULATORYO
- Nagtatakda, nag-uutos, nagbibigay-direksiyon sa atin bilang kasapi o kaanib ng lahat o alinmang institusyong nabanggit.
- Batas o kautusan na nakasulat, nakikita, nakalimbag, o inuutos nang pasalita
- Taong may kapangyarihan o posisyon na nagpapatupad ng kautusan o batas
- Taong nasasaklawan ng batas na sumusunod dito
- Konteksto na nagbibigay-bisa sa batas o kautusan.
3 KLASIPIKASYON NG WIKA AYON SA REGULATORYONG BISA NITO
- BERBAL - Tawag sa lahat ng kautusan, batas, o tuntunin na binabanggit lamang nang pasalita ng pinuno o sinumang nasa kapangyarihan.
- NASUSULAT, NAKALIMABG, AT BISWAL - Lahat ng kautusan, batas, o tuntunin na mababasa, mapapanood, o makikita na ipinatutupad ng nasa kapangyarihan.
- DI-NASUSULAT NA TRADISYON - Mahabang tradisyon na pasalin-saling bukambibig ng kautusan, batas, o tuntuning sinusunod ng lahat.
ILANG HALIMBAWA NG REGULASYOM O BATAS
- SALIGANG BATAS
- BATAS NG REPUBLIKA
- ORDINANSA
- POLISIYA
- PATAKARAN AT REGULASYON
ARALIN 3: INTERAKSIYONAL
INTERPERSONAL NA KOMUNIKASYON - Ang pakikipag-usap sa isa o higit pang tao.
INTERAKSIYONAL - Tulungan tayong makipag-ugnayan at bumuo ng sosyal na relasyon sa ating pamilya, kaibigan, o kakilala.
ANG INTERAKSIYON SA CYBERSPACE
WEB 2.0 - Kasalukuyang bersiyon ng Internet na higit na pinalawig, pinalawak, at makapangyarihan.
MGA HALIMBAWA NG INTERAKSIYON SA INTERNET
DALAWAHAN
- INSTANT MESSAGE
GRUPO
- GROUPCHAT
- FORUM
MARAMIHAN
- SOCIOSITE
- ONLINE STORE
SOCIAL MEDIA - "Nilalaman nito ay nilikha ng sarili nitong audience."
ARALIN 4: PERSONAL
- Iyong sarili o kaakuhan
- Personal na sikreto at personal na gusto, tanging ang iyong sarili lamang ang nakaaalam.
- Mula sa salitang personalidad
PERSONALITY THEORY
- PANLABAS LABAN SA PANLOOB
- PANDAMA LABAN SA SAPANTAHA
- PAG-IISIP LABAN SA DAMDAMIN
- PAGHUHUSGA LABAN SA PAG-UUNAWA
MALIKHAING SANAYSAY
SANAYSAY
- "Nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay."
- Nagmula sa dalawang salita -- sanay at pasalaysay.
- Naglalahad ng opinyon, kaisipan, reaksyion, at saloobin ng manunulat.
MALIKHAING SANAYSAY
- Naglalaman ng sariling pananaw ng may-akda at nasa puntodebista ng manunulat.
HALIMBAWA:
- BIOGRAPIYA
- AWTOBIOGRAPIYA
- ALAALA
- TALA NG PAGLALAKBAY
- PERSONAL NA SANAYSAY
- BLOG
BAHAGI NG SANAYSAY
- PANIMULA
- KATAWAN
- WAKAS
ARALIN 5: IMAHINATIBO
- Ginagamit sa paglikha, pagtuklas, at pag-aliw.
- Ginagamit ito sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing pamamaraan.
- Ginagamit sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula, nobela, maanyong sanaysay, at malikhaing katha.
IMAHINATIBONG PANITIKAN
- PANTASYA
- MITO
- ALAMAT
- KUWENTONG-BAYAN
- SIYENSIYANG PIKSIYON - Panitikan ng tao na dumaranas ng pagbabago.
ARALIN 6: HEURISTIKO AT REPRESENTATIBO
HEURISTIKO - ang bisa ng wika kapag may pag-iimbestiga o katanungan sa madaling salita.
REPRESENTATIBO - bisa ng wika kung nais nating ipaliwanag ang datos o ang sagot sa ating tanong.
APAT NA YUGTO TUNGO SA MAUGNAYING PAG-IISIP
- PAGGAMIT NG SINTIDO-KUMON - Ang pinakakaraniwang paraan ng pag-iisip at pangangatwiran.
- LOHIKAL NA PAG-IISIP
- LOHIKA AYON SA PANGANGATWIRAN O ARGUMENTO
- LOHIKA AYON SA PAGKAKASUNOD-SUNOD
- LOHIKA AYON SA ANALISIS\
3 KRITIKAL NA PAG-IISIP
- MASUSING PAGTUKOY SA KALIGIRAN NG SULIRANIN
- PAGSUSURI, PAG-UURI, AT PAGPUNA
- PAGLALATAG NG ALTERNATIBO
- REPLEKSIYON
- KRITIKA
- INTERPRETASYON
- PANANALIKSIK NA MULTIDISIPLINARYO
- PANANALIKSIK NA INTERDISIPLINARYO
PAG-UULAT-BISWAL: ANG POWERPOINT PRESENATATION
- Ito ay iang paraan ng paglalahad ng impormasyon.
- Maaaring pagsamahin dito ang teksto, disenyo, grap, animation, tunog, o video.
- isa sa mga application ng Microsoft Office.
- Ginagamit ito upang maging organisado at presentable ang mga impormasyong ilalahad sa kausap o tagapakinig.
MGA PANANDA PARA SA KOHESYONG GRAMATIKAL
A.) Ang ANAPORA ay panghalip na ginagamit sa pangungusap o talata upang tukuyin ang naunang nabanggit na pangngalan o paksa.
B.) Ang KATAPORA ay panghalip na unang ginagamit sa pangungusap o talata bago banggitin ang pangngalan o paksang tinutukoy.
C.) Mainam na gumamit ng PANGATNIG upang swabe, madulas, at magkakaugnay ang mga ideya o pahayag sa pangungusap.
- at
- ngunit
- subalit
- kung
- kaya
- pero
- o
- kaya/pag
- dahil sa
- sapagkat
D.) PANANDANG - Salita na makatutulong upang bigyang-din, linawin, at pukawin ang atensiyon ng mambabasa o tagapakinig.
HALIMBAWA:
Pagwawakas
Samaktwid…
Sa wakas…/ Bilang wakas…/ Sa pagwawakas…
Sa pagtatapos…
Paghahambing
Katulad ng.../Parehas ng.../Kawangis ng.../Tulad ng...
Kasing... (lakas, bilis, ganda at iba pa)
Pagkakaiba
Sa isang banda.../ Sa kabilang banda...
Di tulad ng...
Sa kabaligtaran...
Pagdidiin
Uulitin ko...
Nais kong linawin...
Makinig kang mabuti...
Daloy ng Panahon
Ngayon.../ Kahapon.../ Mamaya.../ Bukas.../
Noong unang panahon.../ Noong isang araw.../
Pagwawakas
Samakatwid...
Sa wakas.../ Bilang wakas...
Sa pagtatapos.../
YUNIT III: MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS
ARALIN 1: WIKANG FILIPINO AT MASS MEDIA
PANGMASSANG MEDIA, PANGMADLANG MEDIA, O MASS MEDIA ang tawag sa pinakamaimpluwensiyal at masasabi ring pinakamakapangyarihang institusyon sa ating lipunan.
Ang MEDIA ay ang tagapagbantay, tagamasid, taga-ulat ng mga pangyayari sa lipunan. Kinikilala ang media bilang ikaapat na Estado. Ang mass media rin ay isang malaking industriya. Kasama ng mass media ang pahayagan, radyo, at telebisyon.
RADYO - Ang media ng masa
PANONOOD BILANG PAGBASA, PAGKATUTO, AT PAGKONSUMO
Naidagdag ang PANONOOD bilang ikalimang kasanayang pangwika.
Mga Uri ng Palabas
A. Tanghalan/Teatro
B. Pelikula
C. Telebisyon
D. Youtube
No comments:
Post a Comment